trenta

April 4th, 2008

dear blog,

today is my birthday. and before i sleep, i want to record
what happened today.

when i woke up, i was thirty. it’s quite hard to believe
that i have reached midlife already (note: i consider 30 my midlife because my
personal life expectancy is only 60, which is quite optimistic per se
considering the stressful life that i live).

i received a lot of greetings through text and emails. i
sponsored a “lunch party” at the office but i greatly appreciate the surprise
which my officemates prepared for me. everybody sang me happy birthday. they
surprised me with a kinky birthday cake, the candles of which i blew earnestly.
they gave me lechon, flowers and a huge card which everybody signed (including
the ultimate boss!). i also received an assortment of other gifts: photography
book, backpack, fountain pen, a perfume, a picture frame, towels, scrapbook,
scrapbook materials, wine, compact disc, great stamps, gift cheques, shirt,
bag, mug, etc.

later in the afternoon, they bought pancit, pizza and chicken
which we all ate. there was also some red wine. lots of banter. all was great.

what more could i ask for?

apparently, still a lot. i realized that at 30, i still have no
house. no car. no lover. no money. no land. no title. no jewelry. thirty years
on earth was not enough to stock up on all these things. but are these really
that important?

despite what may seem to be such a dismal life, i am happy
to know that i have the essentials i need to be happy anyway. 

i earn enough to buy necessities and indulge in a few wants.
i have enough to pack my bags anytime and go where fate will bring me. i have
built a community of friends on whom i can always rely. my home is where i
choose it to be. my arsenal is replete with snippets culled from rich
experience. my special weapon is my ability to adapt. and like the energizer
bunny, i can go on. and on. and on. and on. and on. and on. and on.

and because of the affection showered upon me today, i have
discovered an eternal spring of sweet hope for the future. 

i don’t crave for fame, power nor glory. at least, not at
this point.

give me thirty years more and let’s see what i have been
able to achieve for myself still. 

rosalyn

jottings: singapore

February 7th, 2008

first time kong lumabas ng bansa. sa wakas! at least, bago ako nag-trenta, nakasulyap ako sa ibang bahagi ng mundo bukod sa pilipinas. nakasilip ako sa singapore at nakabisita sa indonesia. ganon pala…. dahil sobrang dami ng bagong experiences ko, di ko alam kung anong isusulat.

***

ang ganda ng service ng singapore airlines. ang babait ng crew. ang sarap ng pagkain. pampered ang pasahero kahit naka-economy class lang. para tuloy ayaw ko nang bumaba. hehehe!

***

sobrang linis pala talaga ng singapore. ang ganda! ang daming malulusog at makukulay na puno’t halaman saan ka man lumingon. at ang ganda ng highway. wala akong nakitang luma, madumi and/or smoke-belching na sasakyan.

***

ang ganda din ng marina mandarin kung saan kami tumuloy ng isang gabi. ang daming choices duon sa buffet breakfast nila. at parang masarap lahat! masarap din ng pagkain sa din tai fung (hahanap-hanapin mo yung pork dumplings nila na parang may soup sa loob! di ko nga lang maalala kung ano eksaktong tawag don… at yung dimsum nila na may red beans sa loob! the best talaga!) at sa si chuan dou hua (na nasa 60th floor ng UOB building, overlooking singapore. nag-eexhibition pa yung gwapong tagalagay ng tsaa. parang live action movie!). parang pwede na akong mamatay pagkatapos.

***

nakakatuwa din yung store na “the cookie museum”. ang friendly ng store personnel at mapapaluha ka sa dami at sarap ng cookies na binebenta nila in tin cans. ang daming flavors na talagang kakaiba. di mawawala yung may mga chocolate at iba’t-ibang klaseng nuts. meron ding fruity flavors tulad ng lychee, cherry, mango and strawberry, etc. at ang kakaibang “flower” flavors tulad ng rose, jasmine, chamomile at ylang-ylang! (joke lang! walang ylang-ylang! pero meron talaga yung iba!) low sugar cookies. no eggs added. soft and chewy. simply delicious! maluluha ka sa sarap at sa mahal (biruin mo: S$36 isang can nung “love and knots” na binili ko na halo-halong honey mango, strawberry & brazil nuts!)…

***

para palang isang malaking shopping complex ang singapore. medyo nalibot namin ang suntec, marina square at raffles city. grabe ang dami ng shops na naka-sale nung nagpunta kami. ang kulang lang ang perang dala ko. ;-) sayang kasi hindi ako nakapag-city tour. next time na lang siguro… (kelan kaya yon?)

***

sinadya din namin ang mustasa, este, mustafa pala. pero sumilip lang kami halos. bumabaha doon ng alahas, relos, bag, tela, electronic gadgets, etc. sa sobrang dami, ang hirap tuloy mamili. halo-halo ang maganda at pangit. dapat matiyaga kang mamili at dapat may oras ka… matiyaga ako pero walang oras kaya umalis ako ng mustafa na ang bitbit lang ay keychains at earphones. hehehe!

***

okay din sa olrayt yung night stroll namin from si chuan dou hua pabalik ng hotel namin. past 11 pm na yata yon pero di nakakatakot maglakad kasi madaming tao at parang ang safe-safe sa singapore. perfect sana yung walk na yon kung may ka-holding hands ako. pero hello!!!! alangan namang mag-hold hands kami nung kasama ko no!!!J

***

booboo no. 1: naiwan ko sa ibabaw ng table sa lobby ng marina mandarin ang bagong-bagong wallet ko na pasalubong sa akin recently. andon lahat ng pera (dollars at peso) at identification cards ko. lagpas sa limang minuto ko syang naiwan bago ko nagawang balikan. sa awa ng diyos, andon pa sya sa kung saan ko naiwan. hello! kung sa maynila ko nagawa ang katangahang ito, wala na akong nabalikan… long live singapore!

***

booboo no. 2: nakalimutan ko kung gaano kahigpit ang airports pagdating sa pag-transport ng liquids. may dalawa akong bagong biling shower gel from the body shop. yung bagong variety nila na yung dalawang klase dun e hindi ko pa nakikita sa pinas. ayun, naconfiscate at naitapon lang sa airport. haaaaaaaaayyyyy… ang bango tuloy nung trash can nila!

***

next stop: bali, indonesia

(to be continued…)

bali balita

January 18th, 2008

dapat ba akong matuwa?

sinabihan ako last friday na isasama daw ako ni ultimate
boss sa bali, indonesia to attend the second conference of states parties to the u.n. convention
against corruption (uncac). aabutin yata kami ng sampung araw sa lugar na yon.
kami lang dalawa (at least from our office. malay ko kung sino pa ang ibang member ng philippine delegation).

dapat ba talaga akong matuwa? 

unang-una, wala akong damit. (i can hear chebay-esque echoes
in the background saying “what will i wear”?). kailangan ko pa tuloy bumili
ngayon ng (at least) 3 nice suits. tapos, luma na din yung sapatos ko. so
kailangan ko din bumili ng bago. wala akong suitable luggage. (buti na lang
pahihiramin ako ni atty. paula ng samsonite luggage nya!) pero eto lang yung
mga mabababaw at pedestrian worries ko.

eto yung mas siryus: ang dami kong kelangang basahing
documents. as in nakakadalawang binders na ako ng nakaka-nosebleed na papel.
kelangan ko basahin at intindihin yon kasi gagawa ako ng paper (kelangan kaya
ng powerpoint presentation?) for the conference. kailangan ko din ng crash course on asset recovery experiences ng pinas.

at ang pinakamabigat kong worry: natatakot ako duon sa fact
na sampung araw kong kasama ang ultimate boss ng office namin. pano na lang
kung madapa ako? or mabantot pala ako? or kung bigla akong mapa-koryana pose?

dapat ba talaga akong matuwa?

 

to be or not to be. that is the question.

DecemberRUSH

December 1st, 2007

  Ang Bilis-Bilis Talaga Ng
Panahon. Disyembre Na Naman. Ito Ang Paborito Kong Panahon Sa Buong Taon.
Pangalawa Lang Ang Abril Kung Kailan Ako Ipinanganak. Gustung-Gusto Ko Yung
Malamig Na Simoy Ng Hangin Sa Umaga. Yung Masayang Christmas Carols Na
Tumutugtog Sa Radyo. Yung Makukulay Na Parol Na Nakasabit Sa Bintana. Yung
Kumukutikutitap Na Ilaw Pagsapit Ng Gabi. Kaya Lang, Hindi Ako Makapag-Focus Sa
Pasko Ngayong Taon. Parang Ang Dami Kong Kailangang Gawin. Nang Mga Huling Araw
Ng Nobyembre, Sinalubong Ako Ng Isang Napakabigat Na Pagsubot: Isang
Napakahalagang Dokumento Sa Office Ang Hindi Ko Makita. Sa Sobrang Halaga Nya,
Hindi Lang Promotion At Trabaho Ko Ang Nakataya. Pati Buhay At Kalayaan Ko.
(Hindi Ito Exaggeration, Pramis! Nakasalalay Dito Ang Filing Ng Isang Very High
Profile Case Sa Korte.) Pero Sa Awa Ng Pagkakataon, Nakita Naman Sya Kaya
Nakahinga Na Din Ako Ng Maluwag. Na-Promote Nga Pala Ako. Sa Wakas, Nagbunga
Din Ang Aking Pagtitiyaga At Pagsusumikap. Executive Assistant 6 Na Ako Ngayon!!!
Tapos, Naglilipat Kami Ngayon Ng Kwarto Sa Office. Sobrang Daming Dokumento Ang
Dapat Kong Ilipat At I-File Ng Maayos. Matapos Ko Kaya Yon Ngayong Buwan? Tapos
May Senate Budget Hearin
g Pa. Sobrang Palpak Yung Expected Question And Answer Na Napadala Ng Office Sa
Senate. Nakakahiya Ang Grammar. Kaya Eto, Medyo Ginagawan Ng Paraan. (Actually,
Yun Ang Ginagawa Ko Ngayon. Pero Dahil Nauuta Na Ako, Naisipan Kong Magsulat
Muna Ng Blog.) Tapos, May Training Pa Akong About Monitoring And Evaluation Sa
Astoria. Isang Linggong Pag-Ibig, Este, Training Pala. Tapos, Gusto Ko Pang
Magbenta Ng Handmade Bookmarks Ko Sa Tiangge Sa Office. Hindi Ko Aim Kumita Ng
Pera. Gusto Ko Lang Malaman Kung Magugustuhan Ba Ng Tao Yung Ginagawa Kong
Bookmarks. Tapos, Hindi Ko Pa Nagagawa Yung Personalized Christmas Gifts Ko
Para Sa Mga Officemates Ko. Wala Pa Din Akong Nabibiling Christmas Gifts Para
Sa Mga Tao. Ni Isa!!! Pucha!!! Kailan Ko Kaya Mauumpisahan Yon???? Tapos, Meron
Pa Akong Dapat Isiping Crim Law Review, Nego At Banking Classes. To Top It All,
Submission Ng Supevised Legal Research Paper Namin Sa December 19. Wala Pa
Akong Masyadong Nabasa Tungkol Sa Topic Naming Extrajudicial Killing At Writ Of
Amparo… Jeeeeeeez… Dapat Na Din Yatang Umpisahan Ang Pagsusulat Ng Annual
Report Namin Sa Office. O Yeah, Hindi Pa Din Pala Nadedecorate Yung Christmas
Tree Namin Sa Bago Naming Kwarto. Gusto Ko Sana Personalized Yung Trimmings. As
In Pictures Namin Sa Office Ang Gusto Kong Pansabit. STOP. Iniisip Ko Pa Lang,
Napapagod Na Ako.

 

P.S.: Kulang Pa Ako Ng Dalawang
Stickers Para Makuha Ang Planner Sa Starbucks… Syet!

hiya

November 26th, 2007

wala lang… 

nasa UP ako noong sabado. may banking class kasi ako. pero
dahil 1pm pa ang klase ko,
naggala muna ako sa UP. sumilip sa tiangge (yung malapit sa may IC). may nakita
akong inukit na bangko na gawa sa mabigat na kahoy (kaya lang dalawang libo…).
tapos, bumili ako ng mga sale na agatha christie books (ang bago kong
pampalipas ng oras). at dahil inabot na ako ng tanghalian, naisip kong kumain
sa co-op.

matagal-tagal na din akong hindi nakakakain dito. iba na
yung mga upuan. iba na din ang ayos nung… ah… (ano nga bang tawag don: yung
pwesto kung saan mo ituturo yung oorderin mong ulam???)… kahera (sorry: di ko
maisip yung tawag e…). umorder ako ng isang kanin, kalahating ginisang kalabasa
at sitaw (na merong sahog na lechong kawali yata), dalawang stick ng barbecue
at isang bote ng pepsi. sa dami nun, wala pang singkwenta pesos ang binayad ko.
ang saya! 

dala-dala ang metal na food tray kung saan nakalagay ang
pagkain ko (yung parang sa ospital), naupo ako doon sa pinakamalapit na mesa.
yun lang kasi ang bakante. napansin ko, may nakapatong na doon na isang maliit
na planggana ng kasoy na paninda. maya-maya pa, umupo na nga ang isang babae sa
“diagonal” ko, dala-dala ang sarili nyang metal food tray. sya ang may-ari nung
planggana ng kasoy.

nahiya ako. actually, parang nahiya ako sa katakawan ko.
kasi sya: isang order ng kanin, kalahating order ng chopsuey at isang pirasong
tuyo na binabad na nya sa suka.

hindi ko alam kung saan nag-ugat ang hiya ko. may dapat ba
akong ikahiya?

eto ako, kagagasta lang P150.00 sa kape para lang makaipon
ng stickers at makakuha ng isang “libreng” magarang planner. eto ako, nakasuot
ng pulang crocs at may bagong samsonite na messenger bag. at eto ako,
tuwang-tuwa sa “bargain” na lunch.

tapos, ayun sya, ninanamnam ang isang order ng kanin,
kalahating order ng chopsuey at isang pirasong tuyo na binabad na nya sa suka.
tinitipid-tipid pa nya yung tuyo. paunti-unti ang subo habang katabi ang isang
maliiit na planggana ng kasoy.

 don’t get me wrong: hindi ako naaawa sa kanya.

 i repeat: nahiya ako sa sarili ko.

how can i not love her?

November 6th, 2007

sigurado na ako: mahal ko na talaga sya…

REWIND…


una ko syang nakilala noong november 2004. ang bulung-bulungan terror-rific daw sya. pero nang makita ko sya, mukhang hindi naman. pero nang magsalita sya, mukha ngang ang magandang nilalang na ito ay kayang-kayang mangwasak ng mga pangarap at manira ng kinabukasan. if you know what i mean…

sa unang gabi na yon ng aming pagkikita, tinawag nya ako. halos dalawang oras nya akong kinausap. parehong nakatayo. pinaikot-ikot nya ako at pinahirapan. sinubok nya ang aking nalalaman hindi lamang sa nabasa ko tungkol sa preliminary matters ng civil procedure kung hindi pati na din sa constitutional law, civil law at criminal law. mistulang nobisyada sa kamay ng isang di-matatawarang eksperto.

di ko makakalimutan sa tanang buhay ko ang isang makalaglag-babang-tanong nya: is jurisdiction a part of judicial power? ang sabi ko: no ma’am. it’s a condition pre-requisite… di ko alam kung saan ko pinulot ang sagot na yon… 99% perspiration, 1% inspiration??! mali… 99% inspiration, 1% perspiration….

simula noon, gabi-gabi ko na syang iniisip. imposible kasing hindi ko sya maisip. she’s just that kind of person kasi: imposible talagang hindi mo sya maisip…

FASTFORWARD…


makalipas ang dalawang taon, muli kaming nagkita. at kahit pa tinawag nya akong ms. velasquez, okay lang sa akin. ibig sabihin, medyo natatandaan nya ako, kahit konti… (martinez… velasquez… magkatunog naman di ba?!?)

pero sa dami ng trabaho ko, hindi ko magawang bigyan sya ng “karampatang panahon”… may reputasyon naman talaga akong ganon… pero kasi kumpara sa iba, masyado talaga syang demanding. alam mo yon: parang sya na lang ang dapat kong pinag-uukulan ng atensyon. di naman pwede yon di ba?!!!

hindi ako nagpakita o nagparamdam sa kanya buong june, august at september. isama mo na din ang october. ni hindi ko nga sya nabigyan ng picture… at dahil doon, tanggap ko na na magagalit sya sa akin at bibigyan nya ako ng tumataginting na singko…

PAUSE.
kung ang nagbabasa nito ay taga-UP law na naging classmate ko, i’m sure, kilala mo na ang tinutukoy ko at nage-gets mo ang double meaning na nakasulat dito… na-appreciate mo ba yung “humor” ko??? sana…

kung hindi naman kita classmate sa law, allow me to contextualize everything (read: spell it out for you in simple terms):

1. don’t be misled by my romantic insinuations. lahat yan ay bunga lamang ng malikot kong imahinasyon. ito ay isang one-sided very-much-feigned-love-affair na tanging sa utak ko lang nabuo.

2.  naging teacher ko sya noon sa isang 5-unit course. hindi ko alam kung paano akong pumasa noon (she gave me a grade of 3.0) kasi sigurado akong i failed the midterm and final exams miserably. naawa lang siguro sya sa akin which is a miracle in itself kasi hindi sya nagpakita ng awa sa ibang students nya na binigyan nya ng madugong 5.0.

3. naging teacher ko sya ulit ngayon sa isang 3-unit course na alam ng lahat e favorite subject nya. sa dami ng trabaho ko, napakarami kong absences. AS IN. july lang ang ipinasok ko at halos nag-film showing lang kami noon (ergo, wala talagang class)… wala ako ni isang recitation. ni 1×1 for the seatplan, hindi ako nakapagbigay… hindi ako naka-attend ni isa man sa scheduled make up classes nya. kaya ayun, tanggap ko na bibigyan nya ako ng 5.0 this time around… but lo and behold: hindi nya ako ibinagsak! she gave me a passing grade (2.75) which i never thought possible even in my wildest dreams. and, swear:  I AM NOT EXAGGERATING. naawa (na naman) siguro sya sa akin which is a miracle in itself kasi hindi sya nagpakita ng awa sa ibang students nya na binigyan nya ng madugong 5.0.

PLAY…


during our on-and-off thing, i must say she taught me a lot. she taught me that hope should always spring eternal. she made me want to believe in miracles. she made me realize that miracles do come true (not just once but twice!!!).

she touched my life in ways she can never imagine.

i consider it my honor to have know her.

davao

October 23rd, 2007

note: schizophrenic ako. kaya ang mababasa nyong travelogue ay waring
sinulat ng dalawang magkaibang tao. yung mga parteng kulay itim ay ang “normal”
na pagsasalaysay ng mga pangyayari sa trip na ito. at yung naka-pulang parte
naman ang mga komento ni “X”, ang split personality ko… [X: hope you enjoy reading kahit hindi ka naman kasama sa trip na ito!
nyahahahaha!]

sa wakas nakapunta din ako (kami) ng davao. last october 19-21, kasama kong
gumala sa davao sila anne, bing at ms. lorraine.

namasyal kami.
nagwaldas ng pera.
kumain (read: lumamon) kami.
naglustay ng salapi.
kumuha ng daan-daang litrato.
at gumasta na parang wala nang
bukas…

masarap sa pakiramdam pagkatapos maglibot.
butas (na butas) nga lang ang bulsa…

nagpunta kami sa paradise island resort at duon kumain
ng native tinolang manok, mixed vegetables with seafood, at seafood medly.(ililibre ko  sana
yung mga kasama ko ng pasta negra, kaya lang 1 ½ hours daw ang cooking time!!!
susme! *@!#&!?!  noon pa
lang ba sila manghuhuli ng pusit?!!!! gutom na gutom na kaya kami…)
 

dumaan kami sa butterfly
sanctuary
at doon nagsaya kasama ang mga paru-parong makukulay ang pakpak. (gusto ko yung pagkataba-tabang caterpillar na inspirasyon
yata para sa isa sa mga kalaban sa final fantasy!!! Cool!!!)

tapos, binisita din namin ang crocodile park at nag-hello sa
napakaraming buwaya at iba’t-ibang kahayupan. tumikim din pala ako doon ng
dragon fruit shake. masarap! (masarap? ordinaryo lang
naman ang lasa nya e… ang mahal pa nung isang styrocup na shake, 45 pesos ba
naman?! nag-mango shake ka na lang sana…)

pwede ba namang hindi kami
magbigay pugay kina pag-asa, et al.? syempre pumunta din kami sa philippine eagle center at lumibot sa
buong davao city water district malagos watershed.
(may certain
air of dignity ang mga phitecophaga jefferyii. maganda ang tindig ng mga ibon
na ito…. oi! wag kang bastos! walang halong malisya yon… kaya lang, sinong
makakasagot sa akin kung sino si “aling naty”????? bakit may isang endangered
bird na pinangalanang aling naty??!!)
   

tumingin din kami ng mga orkidyas
at iba pang magagandang bulaklak at halaman sa puentespina orchids garden at sumilip sa katapat na malagos garden resort. (as in sumilip lang talaga. di na kami pumasok, nagpapicture
lang sa labas. hehehe!).

kumain kami sa jack’s ridge ng shanghai fried rice,
jack’s fried chicken, mixed vegetables with oyster sauce, camaron rebosado at
kare-kare (kain? lamon ang tawag dun, di ba?!);
at sa takot na bangungutin dahil sa sobrang kabusugan, tumuloy kami sa K-1 para walang hiya-hiyang magvideoke
hanggang 2:30 ng madaling araw. (at syempre pa, hindi
nawala sa repertoire ang buttercup at ang mga immortalized songs ng carpenters.
pinagpilitan ding kantahin ang mga kanta nila bon jovi, fantasia at pussycat
dolls. sino ngayon ang schizophrenic? may nababanaag ka bang pattern sa choice
of songs???!!!)

sa kasamaang palad, hindi kami
natuloy sa pearl farm. kasi
kailangan daw pala ng prior reservation doon at, yun nga, hindi kami nagising
ng maaga kasi nga inabot kami ng umaga sa ktv. (mga pasaway!)

haay… kaya ayun, nagdesisyoon na
lang kaming mag-sauna bath at magpa-whole body massage sa chic and dandy, isang highly-recommended, simple but very cozy spa
sa may…. ahh… duon sa may… ahhh… basta dun na nga. mababait ang attendants nila
at okay sa olrayt ang services. mura pa! (actually, yun
ang importante ateh: M-U-R-A!)

kung saan-saan din kami kumain: 

*** sa picobello.
nakita pa naming inikot-ikot nung lalaki yung dough sa ere at lagyan ng sangkap
bago ipasok sa pugon. galing! sarap! (ngek, medyo sunog
yung tabi! pero in fairness, masarap naman talaga, kahit yung parteng sunog.
medyo mapait nga lang! may buy-one-pizza-take-one-free pa tuwing 2 to 5 pm.)

*** sa chicken ati-atihan along recto st. (mura
pero maliit ang serving nila.)

*** sa merco. (wala kang masabi no?!!! paano,
hindi na nga ganon kasarap, hindi pa ganon kamura… yung bangus sa bangusilog
walang lasa. Tung tapa sa tapsilog mukhang tosino. Yung pancit luglog, pansit
palabok pala; ang tabang pa! yung dinuguan at puto lang ang medyo maayos ang
lasa…. Haaaaay!!!!)

*** sa banoks na parang andok’s o kaya lapid’s. for 25 pesos, may three
sticks of tuna barbeque at unlimited rice ka na!!! imagine!!! (hindi nagkamali ng spelling. wala talagang apostrophe before
“s”, okay!? ayos pa ang ambience dito! okay ang costume, este, uniform ng
waiters at waitresses!)

*** sa bacbac na allegedly serves the coldest beer in the city at
nagse-serve ng native na fried chicken. (mura. masarap
din. pero not advisable for people with dentures… baka magasgas gilagid nyo…)

*** sa kasagingan (na nagseserve ng bananapuccino, banana dream pie at
brownies na may “k”. (ano yung “k”? ewan. baka
“kashew”! ayos!)

*** sa coffee spot kung saan ako bumili ng carrot cake, brownies, revel
bar at chocolate cake; at ng kapeng may flavor na strawberry and cream. pwede
na ang lasa at reasonably priced. wi-fi spot pa! (ano
namang silbi ng wi-fi e, wala namang nagdala ng laptop!)

nagpa-attendance din kami sa mga kilalang pamilihan sa davao:

*** katabi lang ng inn na tinuluyan namin ang aldevinco kaya imposibleng hindi man
lang kami sumilip dito. ayun, ilang pirasong tie-dyed clothes at shawl ang
nabili ko. pati souvenir t-shirts. at pasalubong (a.k.a.
dagdag na kalat)
para sa mga officemates at friends. (pakiramdam ko may kartel dito. ang daming stalls pero pare-pareho
lang presyo nila e. kahit tumawad ka pa: iisang presyo lang ang babagsak ng
tawaran nyo na uniform sa lahat ng stalls…)

*** matitiis ko bang hindi puntahan ang sale ng SM davao at gaisano mall? hindi naman ito
ang sinadya namin dito pero di ko kayang hindi sumilip sa mall at subsequently,
bumili ng damit na naka-sale. at kumain din nga pala ako doon ng takoyaki
balls! (o yes! halos naluha ako sa saya ng makita ko
ang takoyaki balls na parang hinihintay ako…. wala na yatang nagtitinda non sa
maynila e…)

masaya talaga ang trip namin sa davao. may mga bago akong nakilala at
nagpatunay sa akin na mababait ang mga dabawenyo (maliban
lang kay manong na nasa reception desk ng aveflor inn kung saan kami tumira. parang
wala syang kagana-ganang kausap at walang pakialam sa clients nila. in some
instances, nagpakita pa sya ng kasungitan ha… buti pa yung ka-relyebo nyang si
ate. pumayag pa syang picturan kami sa lobby!)

higit sa lahat, natuwa ako sa mga kasama ko. tulad ko, walang
hiya (in a positive sense naman) silang nagpo-pose for the camera. game sa
lahat ng oras at walang sawa kong kasalo sa malulutong na tawanan at
tuloy-tuloy na hagikgikan. (nagpapatigasan nga lang sa
gabi kung sino ang babangon para patayin ang aircon kesehodang nagyeyelo na
kaming lahat!)
merong mga bagay na nagpapasira ng aming mood. (as usual… what else is new!) pero dahil sa angking
ganda ng davao.
at ligayang dulot ng bagong ekspiryensya, keber sa mga KJ na waring pilit na
sumisira ng aming bakasyon… (wala akong maisip na
pangontra sa sinabi nya…)
 

gusto kong bumalik ng davao
kung may pagkakataon (laging may pagkakataon, hija; anda
ang di laging meron!)
. gusto kong makita ang pearl farm, ang eden’s nature park at marami pang iba…
(kailan kaya yon???????) 


p.s.: gusto ko ding tikman ang
ostrich steak na binebenta daw sa isang restaurant dito… masarap kaya ang
ostrich adidas???? malamang lagpas 1 ½ hours ang cooking time non,
whatjathink?!

rampage

August 1st, 2007

i could have killed people recently. and the worse part is i am not exaggerating.

i distinctly felt such blinding rage envelope me. white hot fury coursing through my veins came surging out in an instant. pure and unadulterated. looking back, even i was frightened.

shouting just was not enough. there was this strong urge to reach out and ram their heads on the wall. only the barest consciousness in me kept some heads from rolling.

had they provoked me some more, i really could have smashed some faces. i remember the way bits of concrete sprayed when i smashed the door in its frame instead.

had they answered back some more, i would have answered them with violence leaving them bruised and bloodied beyond recognition – the same way i destroyed the objects lying around which eventually bore the brunt of my ire.

i was shaking. so mush pent up negativities. i was just waiting for an infinitesimal excuse to vent all the anger, resentment, contempt, frustration, hopelessness and hatred that i have kept under a cloak of detachment all this time. and unlike my other fits of temper in the past, this one stayed one.

it’s been days since this happened but i can still taste the scorn that fired my wrath. the bitterness just lingers on. and on. and on. i lust for the fleeting power brought by unbridled and reckless abandon.

the rampage – my rampage – has now subsided somehow. it left me feeling drained. irrationally tired.

give me credit for even trying to summon back reason while feigning a sense of solitude. it is not easy. give me time to rein in all my beasts.

buhok

July 17th, 2007

siyam na oras. halos. yan ang itinagal ko sa parlor noong lingo sa ngalan ng pagpapaganda.

nagpa-rebond kasi ako ng hair. at dahil hindi ako marunong humindi, “napilit” nila akong magpa-keratin treatment at cellophane na din.

naiinis na kasi ako sa buhok ko. masyado kasing dry at buhaghag. kahit nasa loob ako ng kwartong de-aircon, parang laging nahipan ng hangin ang buhok ko. masyado nga kasing dry at buhaghag.

last-last-week, dapat magpaparelax ako kay arlene. alas! temporarily closed ang parlor nya. for the 2nd time, mukhang iniwan na naman ako ng bading sa gitna ng kawalan. kaya napagdesisyunan kong pumunta na sa “emergency room” ng isang malaking parlor at subukang magpa-rebond!

wala akong pakialam kahit di na uso ang derechong buhok. keber kung ang “in” ngayon ay ang saktong kabaligtaran ng gusto ko. basta! gusto ko ng simpleng unat na buhak. yung hindi dry at buhaghag.

pumasok ako around 12:15pm.
limang beses shinampoo ang buhok ko.
apat na beses ni-blowdry.
mahigit 2 oras ni-plantsa ang buhok kong p-a-m-a-t-a-y daw (kasi mahaba na, makapal pa)!

sa tagal ng inilagi ko sa parlor na yon: (1) natapos ko ang book 10 ng a series of unfortunate events; (2) natapos ko kopyahin ang six-class-hours-worth-of-ADR-notes ni classmate ayako sa notebook kong virgin na virgin pa; (3) na-drain ko ang 89% battery na natitira pa noon sa palmtop ko kalalaro ng dynomite, text twist, bejeweled, bookworm, dynomite, text twist, bejeweled, bookworm, dynomite, text twist, bejeweled, bookworm, dynomite…. at nung nagpaalam na finally ang battery ng palmtop ko, nakatapos ako ng isang issue ng preview magazine with ruffa gutierrez on the cover and talking about ylmaz during their happier times.

nakakaaliw din namang magtagal sa parlor. samu’t-saring opinion tungkol sa mga pinakamainit at importanteng paksa ang narining ko: narinig ko kung paanong pinintas-pintasan nila ang bagong bangs ni sarah geronimo (na lalo daw nagpalapad sa mukha nya!). saksi ako kung paano nila nilait-lait ang girlfriend ni john lloyd (to quote: “mukhang katulong”) na kasamang naaksidente ni sam milby (to quote: “syet! si papa!”). naramdaman ko ang galit sa kanilang dibdib ng tawagin ni katrina ojeda na “monkeys” ang mga anak ni martin kay pops. at napansin ko din ang kawalan ng reaksyon nila sa pagkamatay (pagpapakamatay?) ni rod strunk, dating asawa at hinihinalang utak sa karumaldumal na pagpatay kay nida blanca. narining ko din ang walang sawang pagkanta ng “on the wings of love” (social apathy? intellectual disinterest? emotional detachment?) ng isang babaeng-bakla na maitim na version ni candy pangilinan. haaaayyy….

pinapili nila ako ng color ng cellophane. gusto ko sana blue pero out of stock daw. kaya nauwi ako sa dark brown. conservative ako e. pinipilit akong magshade of red (burgundy? lola?) o kaya man lang daw light brown (japayuki-inspired? ang sama ko! nag-iistereotype ako…). conservative nga ako. di carry ng image ko ang ganoong hair. pero itaga mo sa bato, one of these days susubukan ko magpa-highlights. magtre-trenta na ako at gusto kong matikmang magka-highlights kahit minsan lang. trip-trip lang. ganon.

8:59pm ako lumabas ng parlor. AS IN. pero bago nila ko pinakawalan, mahigpit nilang pinagbilin ang mga sumusunod:
1.    bawal basain ang buhok sa loob ng 3 araw.
2.    advisable na for the next 7 days, conditioner lang ang gagamitin ko.
3.    bawal magusot ang buhok.
4.    mortal sin isabit sa tenga ang buhok.
5.    bawal magpahipo ng buhok sa boypren (kasi baka daw mauwi kung saan at magusot ang buhok, in violation of rule #3).
6.    bawal ang karne. arowana at goldfish daw pwede. mwahahahahaha!!!

ang saya!!! sa pinagdaanan ko, sineseryoso ko ang bawat tagubilin nila!

p.s.: oh yes! bagong tabas din nga pala ang kilay ko!

p.s. ng p.s.: wag na pala itanong kung magkano ang nagastos ko.

p.s. ng p.s. ng p.s.: after all i’ve been through, pucha: kakalmutin ko ang mata ng sinumang magsasabi na di maganda ang new hair ko. (in fairness, wala pa naman…)

p.s. ng p.s. ng p.s. ng p.s. (last na ‘to, pramis!):  isa na naming pagpapatunay ng nabibili na talaga ang “ganda”! =)

SPIT

July 11th, 2007

di po ito patungkol sa dura.

tungkol ito sa isang subject na kinukuha ko ngayong semestreng ito: special problems in taxation o mas kilala sa pangalang SPIT.

Q: bakit ako nag-SPIT? di pa ba sapat ang paghihirap na dinanas ko sa ilalim ng nakaka-heart attack na istilo ni prof. pulido-tan? di pa ba ako nadala sa hirap ng pagko-compute ng income tax (especially considering the fact na journ graduate ako)?

A: nag-SPIT ako kasi ipinanganak yata akong medyo masokista. gustung-gusto kong nahihirapan?! pangalawa, kasi pakiramdam ko, wala akong na-retain masyado sa tax classes ko (under the circumstances). pangatlo, kasi sabi ni choi maka-crush-an ko daw ang professor na ito. hehehe!!!

SEGUE 1: si prof. victorino c. mamalateo (i can hear chebay singing) ang guro namin. isa siya sa mga nirerespeto at kinikilalang eksperto sa taxation sa pilipinas. isa sya sa dadalawang guro sa UP law na alam kong hindi nagtapos ng LLB sa UP pero nagtuturo doon ngayon. at bakit naman hindi? di kaya matatawaran ang angkin nyang galing, talino at ekspiryensya sa larangan ng taxation. hello?! ikaw ba naman ang magtapos ng LLM sa harvard; maging senior tax partner sa isang malaking law firm; at magsilbing asst. commissioner ng BIR?!

SEGUE 2: eniwei, gusto ko lang naman i-kwento ang first SPIT recit ko noong 07-07-07.

tinanong nya ako tungkol sa taxability ng earnings ni pacquiao sa international boxing matches nya. (my gosh!!! ni hindi ko nga pinapanood ang mga laban nya noh! tama bang doon pa ako matanong?!)

simple lang naman ang tanong e: yun daw bang milyon-milyong napanalunan ni pacquiao ay kasama sa pagko-compute ng kanyang gross income.

asus! madaling sagutin – K-U-N-G nagbasa sana ako. ang kasi hindi ako umabot doon e. so, nanghula ang lola mo….

ayun: M-A-L-I!!! pero buti na lang mabait si prof. M. binigyan pa nya ako ng chance. at yung ibang tanong, nasagot ko naman. yata!

ewan ko ba kung saan ko pinaghuhugot ang mga isinagot ko. basta may maisagot lang. buti na lang may natitira pang latak sa stock knowledge ko, e.g., exempted from gross income but subject to final withholding tax; double taxation does not apply because taxing authorities are different; tax exemptions should be strictly construed against the taxpayer, etc.

tapos, may part na nag-disagree si henry sa opinion ko. buti na lang nag-disagree sya kasi nagmukhang mahaba recit ko. hehe! tapos buti na lang din at di ako nagpalit ng opinion kasi eventually, prof. M disagreed with him, and said he also thinks that pacquiao’s winnings should be taxed.

after that, pinaupo na ako ni prof. M sabay sabing: “you may sit down now atty. martinez or should i say commissioner martinez?”. pumalakpak tenga ko ng sinabi nya yon. ;-)

ganado tuloy akong mag-aral ng tax for saturday…. hehehe!!!